Public Displays of Emotions
July 16, 2009
AYOKO NA
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 7:25 pm
News1_0notminePagod na kong mag-abang ng taxi. Ang dami ko pang kailangang pagdaanan bago ako makasakay. Akala ko taxi na yung parating, hindi pala. Akala ko ligtas ako sa kahit anong aksidente, hindi na pala. Akala ko walang pasahero, akala lang pala… bansot kasi. Yung ibang mga tsuper eh tatanggihan pa ko kesyo traffic daw. Yung iba dadaanan lang ako, para bang walang nakita. Pag may na-para naman ako, eh uunahan pa ko ng iba. Bwiset. Para silang mga taong malapit nang labasan ng tae kung makipag-unahan. Holdapper sana yung natsempuhan nila.
notminePagod na rin akong sumakay ng dyip. Masmura nga yung pamasahe ngunit pagbabayaran mo naman yung polyusyon na galing sa labas — at loob. Kaya siguro pati mukha ko eh na-pollute na rin at tinahanan ng pagkaramiraming tigidigtigidigtigidig. Sana mapagtuonan ng pansin ni Mr. Bayani Fernando ang nasabi kong problema, at magsagawa ng batas na maipagbabawal ang pagtaas ng kamay ng mga may di kaaya-ayang aroma. Bukod pa roon, eh sawa na rin ako sa katakawan ni kuya manong driver sa mga pasahero. Yung sampuhan nagiging pang-dosena. Ang sarap tuloy hampasin ng bag yung mukha ng mga callboy sa tuwing sisigaw sila ng “MERON PA SA KALIWA! PAKIKEMBOT LANG HO!” Kabanas talaga. Kung di ko lang kayang magpigil nadagdagan na siguro bungi nila.
Pagod na rin akong makipagpatintero sa mga tao sa LRT. Parati na lang, sa tuwing pagtigil ng train sa isang istasyon, ay may kasugapaang nagaganap. Mayroon at mayroong mga pilit na sumasakay kahit na mayroon pang mga pilit na lumalabas. Tila bang walang sentido kumon. Kung iisipin kasi, paano papasok ang isang tao kung walang espasyo sa loob ng train? Nararapat lamang na paunahin ang mga taong palabas na. Nakakapang-init lang talaga ng dugo ang maitulak at matingnan ng masama ng taong iyong nasagi. Para mong pinagbayaran ang kasalanang hindi naman iyo. Ngunit, kung ikukumpara ko sa iba, eh maskatyaga-tyaga ang LRT; masmadaling sakyan at masmabilis ang serbisyo. Isa lamang ang pagbabagong aking pinapangarap: SANA HINDI NA 30 MINUTES ANG INTERVAL NG BIYAHE KAPAG GABI. Malas mo naman pag 1:59am ka pa tinawag ng kalikasan. Maghihintay ka ulit ng tatlumpung minuto.
Nakakapagod na nga mag-commute. Lalo na kapag traffic. Sa tingin ko ito ang pangunahing suliranin ng Pilipinas na kinakailangang tugunan sa lalong madaling panahon. Haha yun lang. Gusto ko lamang ibahagi ang reklamo kong ito sa iyo  — sino ka mang minalas na napadpad dito.
DSC00307
Huwag tularan.
Paalala: Huwag kalimutang humawak sa bars kung isa ka sa mga minalas na naubusan ng upuan sa LRT. Huwag kang mayabang. Hindi porket na-master mo ang Laws of Physics at feeling mo isa kang alagad ni Newton eh kaya mo nang umanggulo at ma-attain ang state of equilibrium sa loob ng transportasyong ito. Tiyak mayroon at mayroong taong feeling close na mapapahawak sayo, isang kamalasang maaaring maging banta sa iyong balanse — at magdulot ng kakahiyang maaari mo pang ikapango.
<!–[if !mso]> <! st1\:*{behavior:url(#ieooui) } –>
Pagod na rin akong makipagpatintero sa mga tao sa LRT. Parati na lang, sa tuwing pagtigil ng train sa isang istasyon, ay may kasugapaang nagaganap. Mayroon at mayroong mga pilit na sumasakay kahit na mayroon pang mga pilit na lumalabas. Tila bang walang sentido kumon. Kung iisipin kasi, paano papasok ang isang tao kung walang espasyo sa loob ng train? Nararapat lamang na paunahin ang mga taong palabas na. Nakakapang-init lang talaga ng dugo ang maitulak at matingnan ng masama ng taong iyong nasagi. Para mong pinagbayaran ang kasalanang hindi naman iyo. Ngunit, kung ikukumpara ko sa iba, eh maskatyaga-tyaga ang LRT; masmadaling sakyan at masmabilis ang serbisyo. Isa lamang ang pagbabagong aking pinapangarap: SANA HINDI NA 30 MINUTES ANG INTERVAL NG BIYAHE KAPAG GABI. Malas mo naman pag 1:59am ka pa tinawag ng kalikasan. Maghihintay ka ulit ng tatlumpung minuto.
June 21, 2009
1st Week of the Rest of My Life
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 6:53 am
No, I’m not a One Tree Hill fan. I emedded this video to add a more dramatic feel to this post — that is, if you play it. I tried using imeem but…
<object width=”300″ height=”110″><param name=”movie” value=”http://media.imeem.com/m/VJDwu0ZqZm”></param><param name=”wmode” value=”transparent”></param><param name=”FlashVars” value=”backColor=33cc33&primaryColor=003300&secondaryColor=006633&linkColor=006600″></param><embed src=”http://media.imeem.com/m/VJDwu0ZqZm” type=”application/x-shockwave-flash” width=”300″ height=”110″ wmode=”transparent”FlashVars=”backColor=33cc33&primaryColor=003300&secondaryColor=006633&linkColor=006600″></embed></object>
Sooner or Later – Michael Tolcher
…yeah. Sorry for being such a wordpress noob.
SO ANYWAAAY
Every one kept asking me about my first week in college.
IT WAS HELL.
DAY 1: We were ditched by our professors.
DAY 2: I got into a fight.
DAY 3: I was bullied into advertising secondhand books.
DAY 4: I lost my registration form.
And to add to that, my dad left for a business trip leaving me with no EXTRA ALLOWANCE (redundancy intended) just in time for the book order transactions. I was able to manage though. Drastic times call for drastic measures. Translation: Nangutang ako sa kapitbahay. Haha yeahh. That was the most  distressing, emotionally destructive and not to mention totally uncalled for decision I have ever made. My dad knows nothing about it, and I’d like to keep it that way — so here’s me begging you to keep your mouth shut>>> What you read here are for your eyes ONLY. Don’t worry. I won’t need psychiatric help. I know I’ll be able to live past the emotional scar I have incurred from living under poverty line. I’m already in the process of restoring my pride (God help me.) Hahaha no, seriously, I’ll be okay. It was fun(?).
So… what else is new…
The crowd.
The pressure.
I am definitely missing high school. I miss my sisterettes. I miss the teachers…some of them. I miss the friendly atmosphere. I miss doing group works in a light environment where I can have fun and joke around. I miss not sensing any competitive vibes from my blockmates. I miss not having to worry about a mandatory  cut-off system. I miss walking around a school campus without making any mental notes of directions. I miss the ate guards and our whitehouse amigas. I miss the Power Masters. I miss Crepeman. I miss the AJM format. I miss the light workload. I miss not having to read 7 chapters for the weekend. I miss not having to cut back from blogging just so I’d be able to finish 7 chapters. I miss having time to rant about everything I am missing. Haha.
So yesss. Here’s to goodbye.
I miss having a copy of chapter summaries.
<object classid=”clsid:d27cdb6e-ae6d-11cf-96b8-444553540000″ codebase=”http://fpdownload.macromedia.com/pub/shockwave/cabs/flash/swflash.cab#version=7,0,0,0″ width=”500″ height=”400″><param name=”src” value=”http://video.filestube.com/embed,136824ed29a99dbf03ea.html” />
<param name=”width” value=”500″ />
<param name=”height” value=”400″ />
<param name=”wmode” value=”transparent” />
<embed src=”http://video.filestube.com/embed,136824ed29a99dbf03ea.html”type=”application/x-shockwave-flash” wmode=”transparent” width=”500″ height=”400″/></object>
June 14, 2009
OMFG
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 5:53 am
In two hours I’m gonna have my ass fucked, LITERALLY. What a way to end summer, huh? I never thought I’d have to go through a transrectal(?) check-up again. I’ve sworn it off the first time. It was very traumatic and I’m still not over what my gynecologist has done. THAT BIG FAT ASSFUCKING LIAR. I hate her to guts! She’s definitely a 10 on my ABS (Asshole Behavior Scale).  She promised me it won’t hurt and I believed her. I guess I shouldn’t have. I’ve seen Stacy go through it in that movie entitled Little Black Book and it wasn’t pretty. At least the doctor in the movie gave  her a warning. She definitely had it easier. I was caught off guard. There I was lying down, all relaxed, when she suddenly inserted her… (This is me skipping the gruesome part)
Wait. That was all of it. Every detail of that experience IS gruesome. Haha yeah I suck at storytelling but I swear that moment was very dramatic! You should have been there…NOT. I don’t think you could have forgotten my face after she inserted that thing. I probably looked like this:
>o<
Yeahhh. It was THAT painful. I cursed her afterwards…silently. Haha I know. I’m such a wuss. Come to think of it, how can I even curse her? I was suffering from a temporary aftershock and was incapable of speaking properly. I remember walking out her clinic with my face looking like this:
I think I freaked the people waiting outside her clinic. Sucks to her.
So yeah, lesson learned. I’M NEVER BELIEVING EVERY WORD A DOCTOR SAYS.
*insert transition here*
I went youtube-ing a while ago and I randomly ended up at Nat’s channel. I love her humor (and accent). Check her videos out.
This one got me vibrating=))
Just what I needed. It’s gonna be difficult to humor me again after this check-up. HAHA. That could be my last haha for today. Haha. — I guess not. : ) )
Laterrr
June 10, 2009
I Hate This… Blog
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 5:29 pm
nagmumurasiya!
enough said =)))
June 9, 2009
nung kahapon/last yesterday
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 7:17 pm
USAPANG TEXT
A: guys on d way na ko!
…pagkatapos kong maligo at magbihis…
R: where na youuuuuu
A: papunta pa lng
R: sn ka na?
A: sa likod m
*tingin sa likod*
R: ikw ung pader?
APOL AND MOM
R: ang cute! pareho pa kayong naka-gray!
Tita: oo talo ko pa nga siya eh. ako may necklace!
A: wehhh. akin yan eh
M: hahaha oo nga noh! masbagets pa sayo nanay mo apol!
R: haha yes naman tita! *points to apol* nanay mo?
R: may dala akong toblerone!
A: uy toblerone!
M: penge!
…habang kumakain sa tabi ng poster…
M: alam niyo, mukha tayong tanga
R: nakatayo pa tayo
A: oo nga. pumuntang trinoma para lang ngumuya.
R: napaka-productive.
*patuloy sa pag-nguya*
R: uhaw na ko. INOM TAYO!
M: heartbroken ka?
A: haha heartbroken!
M: bumili ka nanaman ng planner?
R: hinde, oo. may nagpabili kasi
A: sino?
R: ate ko
A: ahh… (walang masabi) anong isusulat niya diyan?
R: ??
PAGLABAS NG ADIDAS
R: wala ka nanamang napili?
M: ang lalaki eh
R: ng presyo?
M: ng sapatos
KITA CLEAVAGE NI APOL
R: uy pare o! insert coin!
A: insert coin??
M: hahaha!
A: tingnan niyo si j!
*looks at picture*
R: ang cute! anong breed?
A: haha breed!
M: hahaha!…si raj kaya…:>
R and M: BULLDOG!=))
A: hahaha bulldog
A: alam mo ba may bago nang gf si raj
R: weh?? May pumatol dun??
R: *tingin kay apol* (oo nga pala! hahaha!) o tapos?
A: tapos kdnvwhddkvdjscni…vniws..sijewinvfw…ncdshdbcdjdanvn…
R: (hahahahahahahahahahahahaha! hahahaha)
M: *nakangiti*
A: bat pareho kayong nakangiti?
M: hahaha! nakita ko yung tingin ni raya kanina sayo eh!
R: natatawa ka rin pala!
M: oo! wala na nga kong naintindihan sa pinagsasabi ni apol!
R: ako rin! tumatawa na lang ako sa isip ko! hahahahahahaha!
HAVAIANAS KEYCHAIN
R: authentic to?
A: oo
R: WHY? sayang lang pera mo
A: binilan ko nga rin si j eh. tatlo
R: eww… SUGAR MOMMY
M: …tatlo paa niya?
HABANG NASA CROWDED PLACE
A: oh no ah1n1!
R: san?
A: haha SAN??
SA DIPPIN’ DOTS
R: apol sukli mo *inserts coin*
SURPRISE!
M: *tingin sa harap* (uy si j!)
J: *shhh*
M: *ok :>*
M: (pabulong kay R) si j nasa harap
R: san?
M: sa may kanan madadaanan natin. wag ka pahalata kay apol
R:  oh…
…nung papalapit na kami kay J…
R: (hala makikita ni apol si j!) GUYS LOOK! *points to the left* uhh… were in the Philippines!
M: ay. i hate you. im mud
R: putek ka?
A: haha putek! : P
M: hahaha! were not making sense anymore!
R: really now! and im hungry anymore!
A: hahaha anymore…
A: nood tayong movie!
M: wait! im not yet done with what im trying to say!
R: that’s because you keep on pausing and pausing!
M: its English ok! so its hard
J: itext mo na lang!
R: im hungry naaaaaa. lets pizza hut!
M: yeah! you call them already!
R: YOU call them
M: fine. *turns to j* you! you person!
A: hahaha you person??
NATAHIMIK SILA A AND J
R: oh look! theyre praying!
SA TIMEZONE (P12/song)
R: thats it?
A: yes. it’s a very short song
R: thats only 6 pesos!
A: hahaha 6 pesos
A: im hunger naaa
R: okay lang yan (sabay tapik sa tiyan ni A)
SCENERY: A and J
R: oh look at them!
M: why? watsap?
R: it’s mother’s day!
A: tingnan niyo paa ko ang sakit
M: what? i can’t understand your language
A: MY FEET. it…it…uhh. it hurts!
M: ohhh
R: it looks like a 2nd degree burn…
R: j! you carry her!
Biglang ni-hug ni A si J
R: slow down! he might bounce off!
EMO
A: grabe ang haba ng pila sa binilan ko
M: kanina nga rin sa steakhouse eh
A: pagod na ko!
R: o eto knife
“KIKIAM NI KITKAT”
R: tingnan mo tingnan mo! *sabay turo sa sari-sari store na may fishball stand*
M: bakit bakit?
R: dyan nakatira si kitkat
M: pano mo nalaman?
R: sabi nila. tsaka yan yung sari-sari store ng nanay niya
M: nakita mo ba?
R: dyan talaga! kaya nga pinangalan nila yung fishball stand na kiki ni kikiam eh
R: ano ba yan parang baliw
A: haha baliw
R: (to M) bat ba niya inuulit sinasabi ko?
M: ewan ko. kanina pa nga eh
R: napansin mo rin?
June 7, 2009
Batang 90’s ka rin ba?
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 10:54 pm
1. Kung lalake ka, (hindi ako lalake) sikat na sikat sayo ang mga larong text, jolens, pogs, saranggola, dampa (mga unang anyo ng pustahan), at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.
2. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) Di ka pa nakuntento noon at pinatulan mo ang mga paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
3. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
4. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (meron din ako noh)
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (pinagkait sa kin to=\)
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (ngunit hindi ako binilan kaya nakilaro na lang ako sa kapitbahay)
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (childhood pet=)))
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. (last year ko lang to nadiscover)
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. (pinagkait din to sa kin =/) Minsan sa ibabaw ng pencil case mo meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista
23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
31. Sumasayaw ka ng Macarena. (omg oo! may dance number pa kami ng mga pinsan ko non!)
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. (parati pang ako si pink ranger)
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o  sa jeep na lumilipad.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…
47. Napanood mo ang Batang X.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (“Marimar! Rosalinda ayamor, Ayamor!” Yun ba yun?)
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp. (bat walang mula sa puso at marinella?)
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
61. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superher marathon.
62. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. At nagtaka ka, “bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?” (hindi milo eh. SUSTAGEN. may animal mascots pa sila)
63. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. (si casper yung crush ko non)
1. Kung lalake ka, (hindi ako lalake) sikat na sikat sayo ang mga larong text, jolens, pogs, saranggola, dampa (mga unang anyo ng pustahan), at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.
2. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.) Di ka pa nakuntento noon at pinatulan mo ang mga paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
3. May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
4. Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (meron din ako noh)
6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (pinagkait sa kin to)
9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito)
13. Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (nakikilaro ako sa kapitbahay)
14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (HAHAHA! Pinatira ko pa sila sa tent ko=))
15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade. (last year ko lang to nadiscover)
17. Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
20. Sinasabi mo sa kaklase mo na “Liars go to hell” kapag tingin mo nagsisinungaling sya. ”Cross my heart, hope to die” kapag nangangako ka. “Period no erase” kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na “Akin yung factory ng pambura”.
21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side taposmaraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. (pinagkait din to sa kin =P) Minsan sa ibabaw ng pencil case mo meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista
23. Sa coleman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
27. Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: “Natatawa ako, hi hi hi hi”, “Anong paki mo sa long hair ko”, “Dahil sa bawal na gamot”, “Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko”.
30. Isa dito ay theme song mo: “I Swear” by All 4 One, “What’s Up” by 4 Non Blondes (Andsay, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What’s goin on!), “Zombie” by Cranberries.
31. Sumasayaw ka ng Macarena. (haha oo! may dance number pa kami ng mga pinsan ko non!)
32. Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
35. Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
36. Kinakanta nyo dati sa school yung “Heal the World”, “Tell the World of His Love”, “Jubilee Song”, etc.
37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo. (parati pang ako si pink ranger pag naglalaro kami — kahit na mas gusto kong ako si red ranger)
38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o  sa jeep na lumilipad.
39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: ”Tato ni Ara Mina malaking cobra…”, “Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…”, ”…Kontra Bulate!”
41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: “Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman… Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman..”
42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
43. Alam mo din yung “Ang Pulubi at ang Prinsesa” with Camille Prats and Angelica Panganiban.
44. Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na “ATBP.”: Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…
47. Napanood mo ang Batang X.
48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (Marimar! Rosalinda ayamor! Ayamor! Yun ba yun?)
49. Nanonood ka ng kahit alin dito: “Okay Ka Fairy Ko”, “Oki Doki Doc”, “Abangan ang Susunod na Kabanata”, “Palibhasa Lalake”, “Ober da Bakod”, at “Home Along Da Riles”.
50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
51. Pinanood mo din yung “Villa Quintana”, “Esperanza”, “Anakarenina” atbp. (bat walang mula sa puso at marinella?)
52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: “Dear diary, Carlo sat beside me today. He’s so cute! Sabi niya I’m pretty kaya lang I’m fat.”
54. Kinakanta mo yung “Thank God it’s Sabado, pati na rin Linggo…” at “Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy”.
55. Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay. (WEH?)
56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
59. Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na “Goodbye, England’s Rose.”
60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
61. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superher marathon.
62. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. At nagtaka ka, “bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?” (hindi milo eh. SUSTAGEN. Pero masaya kasi may animal mascots pa sila)
63. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha. (si casper yung crush ko non)
June 6, 2009
tinatamad ako mag-isip ng title
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 4:03 pm
8 things i’m looking forward to:
1. yung chicken mami na pinaluto ko
2. sims 3!
3. g’s and
4. r’s debuts (oo de-boos. as in “i missed de-boos this morning.”)
5. d’s homecoming \:D/
6. COLLEGE
7. graduation : ) )
8. launch ng movie ko
8 things i did yesterday:
1. kumain
2. naligo
3. naglakwatsa… online
4. bonding with my virtual friends
5. bonding with my audio friends
6. tumakbo sa labas
7. nadapa
8. sumigaw (HABANG nadadapa. hindi pagkatapos)
8 things i wish i could do:
1. matulog ng maaga
2. magpalipad ng airplane
3. makapagfloat sa pool nang walang gamit na salbabida
4. mag-hypnotize
5. ma-invade ang mga panaginip ng mga tao
6. makapag-unicycle
7. magtravel sa kung saang dako ng mundo may aurora
8. mag-aral habang natutulog
8 things i do when people aren’t looking:
1. picture-an sila
2. maglinis ng ilong…
3. magkamot ng ulo
4. magkamot ng paa
5. magkamot ng kili-kili
6. ilagay sa ayos ang wala sa ayos (wedgy)
7. maligo
8. mangalabit
To All Hardcore Texters
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 3:55 pm
1. Huwag daanan ng conference GM yung mga taong hindi mo naman binanggit sa text.
Hindi lang yung mga taong wala sa text ang naoOP, pati text mo naa-out place sa inbox nila. Risk ng gawaing ito: a) maiinsulto sila dahil iisipin nilang epal sila sa gm list mo, o b) maiinsulto ka dahil iisipin nilang ikaw yung epal.
2. Huwag gawing talaarawan ang GM.
Anong paki nila kung masaya yung party na in-attend mo kagabi? Ano naman sa kanila kung masakit yung ulo mo? At kung maliligo ka na? Hindi mo kailangang i-broadcast lahat ng nangyayari sayo. May blogspot, twitter, at MMK para dyan. Paalala mula sa nakakatanggap ng iyong mga updates: Hindi ka artista at hindi mo sila fans.
3. Huwag bubuo ng lovelife mula sa text-athons.
Bukod sa ito ay NAPAKA-CHEAP, chances are, aesthetically-challenged ang nilalanjutay mong textmate. Kung pangit ka rin, wag mo iisiping exempted ka na sa rule na ito. Maawa ka naman sa anyo ng magiging anak niyo. Wag mong i-reverse ang Evolution of Man.
4. Huwag magdagdag ng unnecessary letters.
Makuntento ka na sa po at wag nang lagyan pa ng h, w, s, o z sa huli. Tigilan mo yang pagpapacute at pagiging gahaman mo sa space. Hindi na nakakatuwa. Please lang pohwszz.
5. Huwag mgt3xT sA gAn2nG aNy0.
Mahiya ka naman sa mga readers — pwera na lang kung ikaw mismo ang magsusustento sa kanila ng gamot para sa hilo.
Yun lang. Sana di mo makalimutan ang aking mga reklamo. Para rin naman sa kapakanan mo ito. Maniwala ka man o hindi, masmasusulit mo ang iyong load kung magsisikap kang tuparin ang aking limang kahilingan. Kaya’t humayo ka na’t ibalik ang pagkadisente ng text messaging. Habang may natitirang oras at load ka pa — at habang meron pang unlimited texting service. > : )
June 4, 2009
Kung ikaw yung nasa katayuan ni Katrina Halili, uupo ka ba?
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 12:10 pm
It was annoying waking up 15 minutes ago to the incessant verbal explosions of drunken people lounging outside my crib. But what’s even more annoying is that of all the possible ways I could have been disturbed, it had to be through a loud debate over the recent (sobrang gasgas na) Hayden Kho scandal. It’s on the newspapers, the radio, online forums and even on blogs (ahem). It’s on all local channels that it’s no use turning up the television’s volume in hopes of overshadowing the noise of the debate — which is still ongoing by the way. Stick a fork in it already demmit.
I’m tired of this issue and having to hear biased, or even unbiased, opinions over and over again. It seems to me that there’s another influenza that should be declared pandemic — the A-Hayden-Kho-Mania flu. Although people diagnosed with A-HKM1 flu face no life-threatening effects whatsoever, it is endemic enough to bother uninterested individuals like me. It is severe enough to send out cringes to my friends whose moms have asked them for assistance in downloading THE videos. It has even paved way for parents and sent them an indication to initiate THE talk.
OH THE HORROR OF ITS IMPACT.
Make it stop.
…although come to think of it, even if the Pinoys’ interest in the scandal dissipates, the media would still bore the nation with its equally tiresome news on graft and corruption. And those kinds of daily reports annoy me in just the same way. I guess that makes this whole rant on Hayden Kho to be utterly pointless. Sorry for wasting 2 minutes of your life.
June 2, 2009
Define Love
Filed under: Uncategorized — gaxxxx @ 10:09 pm
I_Love_You__II_by_pinkparis1233
Pano mo nga ba malalaman kung in love ka na? Ano ba talaga ang love? Maraming mga taong hindi pa rin alam kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang ito. Nasa diksyunaryo na nga ang ibig sabihin patuloy pa rin nating hinahanap ang kahulugan. Patuloy pa rin ang ating pagtatanong. Lumaki ako sa mga kasagutang “love is blind”, “love hurts”, at “love makes the world go round”. Mga walang kwentang sagot sa mga walang kwentang autograph books na pinagkakaabalahan natin noong nasa elementarya pa tayo. Walang kwenta. Dahil pagtanda mo, magtataka ka pa rin.. ‘Pagmamahal ba ito?’
Sabi nila, umiibig na daw ang isang tao kapag nararanasan niya ang mga symptoms na ito:
Symptom#1: Pag-iisip
Pagkagising sa umaga, ang mga daliri mo ba ay dumidiretso agad sa kinalalagyan ng iyong cellphone imbes na sa minumutang mga mata? Nalulungkot ka ba kung wala ang pangalan nya sa kinarami-rami ng mga nagsilipanang mga GM? Kung oo, pwes, OO. Siya nga ang laman ng iyong isipan. At madalas, dahil siya ang unang tumakbo sa isip mo, siya rin ang pinakahuli. Nakakasawa na minsan, at mismong ikaw na ang gumagawa ng paraan para siya ay tuluyang mawala. Pinipilit mong kontrolin, pero ayaw pa rin. Maaring Pagmamahal ito, ngunit hindi rin kaya obsessed ka lang?
Symptom#2: Pagkabalisa
Ang mga taong nakakaranas nito ay parang sinapian at bigla na lang nawawala sa sarili. Para bang may kung anong drugs silang nalalanghap kapag nasa paligid na nila ang taong kani-kanina lang ay tumatambay sa kanilang isipan. Pati pagkabog ng dibdib nagiging abnormal. Daig pa nila ang nakatungga ng isang pitsel ng energy drink at kape. Kung nararanasan mo ito, marahil ang mga mata mo rin ay nagiging camera lens, at siya, tanging siya lang, ang nasa foreground ng scenery na pini-picture-an mo. Ngunit, hindi naman sapat na rason ang kaba para masabing mahal mo ang isang tao hindi ba?
Symptom#3: Pagkakilig
Ikaw ba ay napapangiti na lang sa kawalan sa kung anong dahilan ay hindi mo alam? Kapag may narinig kang love song, bigla mo na lang ba syang maaalala? Ikaw ba ay may nararamdamang masayang pagkakilabot sa tuwing naaalala mo ang moments ninyo nang kayo ay magkasama? O di kaya ay natutuwa sa isang kalabit ng alaalang ginawa niya? Sabi nila, kinikilig ka na daw kapag ganoon. Siguro. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito mahal mo na yung tao. Maaaring umiibig ka nga, ngunit hindi sa tao, kundi sa isang alaala.
Symptom#4: Pagseselos
Kadalasan makikita sa mga pelikula na ang pagseselos ang nagiging turning point ng taong umiibig. Kapag may kirot daw siyang naramdaman sa tuwing nakikita nya ang kanyang crush na masaya sa piling ng iba ay pag-ibig na raw yon. Nagseselos ka na raw kapag nasasaktan ka sa rasong hindi ka niya masyado pinapansin, sa rasong iba ang kanyang gusto, at sa rasong gusto mong magustuhan ka rin nya sa parehong paraan. Sa tingin ko, baka selfish ka lang. Tulad ng isang batang ayaw maging kalaro ng ibang bata ang kanyang kalaro sa kadahilanang takot siya na baka mas gusto ng kaibigan niya ang ibang bata na maging kalaro. Hindi kaya ipinagdadamot mo lang ang kaniyang kaligayahan?
Symptom#5: Panaginip
Ito ay may koneksyon sa Symptom#1. Kung nangyayari sa iyo ang unang simtomas, natitiyak ko na mararanasan mo din ito, mapapanaginipan mo ang taong iyong “iniibig” o, sa kaso ng mga taong denial, crush. Tila isa itong beer na ininom mo at pagkatapos mong malasing ay magkakahangover ka. Pwede rin itong hangover stage dahil hindi mo basta basta maalis ang isipan mo sa taong ito. Minsan pa nga ay para kang tanga na matutulog ulit sa pagbabakasakaling mapanaginipan mo ulit siya. Tulad ng aking sinabi, hindi kaya adik ka lang talaga sa taong iyan?
Marami pang mga simtomas ang pwedeng makakapagsabi kung in love ka nga talaga. Pero lahat ba ito ay tama? Sa huli tatanungin mo pa rin ang sarili mo nang paulit ulit ulit ulit hanggang sa ikaw ay mabaliw at magsawa na sa mga katagang, “in love na ba ako?” May mga taong nagsasabi na pag mahal mo na nga ang isang tao ay kaya mong gawin ang lahat alang-alang sa ikaliligaya at ikabubuti nito. Gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit na gano kasakit ang pagdaraanan mo. Gagawin mo ang lahat lahat hanggang umabot ka na sa punto na nagiging dependent na siya sa iyo. Sa huli, mapapaisip ka na lang kung ano bang meron sa kanya na iyong ikinabulag. Kung ano bang mahikang meron siya at, sa pamamagitan ng kanyang simpleng pagkawala, ay kaya niyang patigilin ang pag-ikot ng iyong mundo. Hay Pagmamahal. Tama nga ang sabi ng autograph books. Love is blind. Love hurts. Love makes the world go round.
Hindi ko sinasabing yun na at yun lang ang base ng Pagmamahal. Alam ko namang walang kahit sinong tao ang makakasabi kung ano ba talaga ang love hangga’t hindi niya ito nararamdaman. Iba-iba ang mga tao sa mundo, at sila ay may iba’t ibang pananaw ng kung ano ba talaga ang Pagmamahal. Ikaw? Para sayo, ano ba talaga ang love?
credits to http://mukhangmakata.blogspot.com/ :]
Older Posts »
Create a free website or blog at WordPress.com.