Pagod na kong mag-abang ng taxi. Ang dami ko pang kailangang pagdaanan bago ako makasakay. Akala ko taxi na yung parating, hindi pala. Akala ko ligtas ako sa kahit anong aksidente, hindi na pala. Akala ko walang pasahero, akala lang pala… bansot kasi. Yung ibang mga tsuper eh tatanggihan pa ko kesyo traffic daw. Yung iba dadaanan lang ako, para bang walang nakita. Pag may na-para naman ako, eh uunahan pa ko ng iba. Bwiset. Para silang mga taong malapit nang labasan ng tae kung makipag-unahan. Holdapper sana yung natsempuhan nila.
Pagod na rin akong sumakay ng dyip. Masmura nga yung pamasahe ngunit pagbabayaran mo naman yung polyusyon na galing sa labas — at loob. Kaya siguro pati mukha ko eh na-pollute na rin at tinahanan ng pagkaramiraming tigidigtigidigtigidig. Sana mapagtuonan ng pansin ni Mr. Bayani Fernando ang nasabi kong problema, at magsagawa ng batas na maipagbabawal ang pagtaas ng kamay ng mga may di kaaya-ayang aroma. Bukod pa roon, eh sawa na rin ako sa katakawan ni kuya manong driver sa mga pasahero. Yung sampuhan nagiging pang-dosena. Ang sarap tuloy hampasin ng bag yung mukha ng mga callboy sa tuwing sisigaw sila ng “MERON PA SA KALIWA! PAKIKEMBOT LANG HO!” Kabanas talaga. Kung di ko lang kayang magpigil nadagdagan na siguro bungi nila.
Pagod na rin akong makipagpatintero sa mga tao sa LRT. Parati na lang, sa tuwing pagtigil ng train sa isang istasyon, ay may kasugapaang nagaganap. Mayroon at mayroong mga pilit na sumasakay kahit na mayroon pang mga pilit na lumalabas. Tila bang walang sentido kumon. Kung iisipin kasi, paano papasok ang isang tao kung walang espasyo sa loob ng train? Nararapat lamang na paunahin ang mga taong palabas na. Nakakapang-init lang talaga ng dugo ang maitulak at matingnan ng masama ng taong iyong nasagi. Para mong pinagbayaran ang kasalanang hindi naman iyo. Ngunit, kung ikukumpara ko sa iba, eh maskatyaga-tyaga ang LRT; masmadaling sakyan at masmabilis ang serbisyo. Isa lamang ang pagbabagong aking pinapangarap: SANA HINDI NA 30 MINUTES ANG INTERVAL NG BIYAHE KAPAG GABI. Malas mo naman pag 1:59am ka pa tinawag ng kalikasan. Maghihintay ka ulit ng tatlumpung minuto.
Nakakapagod na nga mag-commute. Lalo na kapag traffic. Sa tingin ko ito ang pangunahing suliranin ng Pilipinas na kinakailangang tugunan sa lalong madaling panahon. Haha yun lang. Gusto ko lamang ibahagi ang reklamo kong ito sa iyo — sino ka mang minalas na napadpad dito.

Huwag tularan.
Paalala: Huwag kalimutang humawak sa bars kung isa ka sa mga minalas na naubusan ng upuan sa LRT. Huwag kang mayabang. Hindi porket na-master mo ang Laws of Physics at feeling mo isa kang alagad ni Newton eh kaya mo nang umanggulo at ma-attain ang state of equilibrium sa loob ng transportasyong ito. Tiyak mayroon at mayroong taong feeling close na mapapahawak sayo, isang kamalasang maaaring maging banta sa iyong balanse — at magdulot ng kakahiyang maaari mo pang ikapango.
Pagod na rin akong makipagpatintero sa mga tao sa LRT. Parati na lang, sa tuwing pagtigil ng train sa isang istasyon, ay may kasugapaang nagaganap. Mayroon at mayroong mga pilit na sumasakay kahit na mayroon pang mga pilit na lumalabas. Tila bang walang sentido kumon. Kung iisipin kasi, paano papasok ang isang tao kung walang espasyo sa loob ng train? Nararapat lamang na paunahin ang mga taong palabas na. Nakakapang-init lang talaga ng dugo ang maitulak at matingnan ng masama ng taong iyong nasagi. Para mong pinagbayaran ang kasalanang hindi naman iyo. Ngunit, kung ikukumpara ko sa iba, eh maskatyaga-tyaga ang LRT; masmadaling sakyan at masmabilis ang serbisyo. Isa lamang ang pagbabagong aking pinapangarap: SANA HINDI NA 30 MINUTES ANG INTERVAL NG BIYAHE KAPAG GABI. Malas mo naman pag 1:59am ka pa tinawag ng kalikasan. Maghihintay ka ulit ng tatlumpung minuto.
“MERON PA SA KALIWA! PAKIKEMBOT LANG HO!”
>>favorite line=))
Comment by onlinestilettos — July 17, 2009 @ 2:18 pm